Ace John Paul Dequiroz December 17, 2025
Mula estudyante, graduated as magna cum laude at board passer, ngayon, isang ganap na guro sa SJCDC.
“Ang pagiging guro ay hindi lamang trabaho; ito’y isang misyon. Mula pagkabata, naniniwala na ako sa kapangyarihan ng edukasyon na makapagbago ng buhay. Kaya’t puspusan kong itinuloy ang kursong Edukasyon, na mayroong pangarap na maibahagi ang aking pagmamahal sa wikang Filipino. Ang bawat aral, bawat pagsubok, bawat tagumpay sa pagtuturo ay nagpapatunay na ito ang tamang landas. Sa bawat estudyante, nakikita ko ang aking sarili, at sa kanila, ibinabahagi ko ang aking puso.
Ang Diyos ang aking gabay, ang aking pamilya at mga kaibigan ang aking sandalan, at ang aking mga estudyante ang aking inspirasyon. Ang kanilang mga ngiti, ang kanilang pag-unlad, ang kanilang mga tagumpay—ito ang mga gantimpalang higit pa sa anumang kayamanan.
Sa mga nangangarap na maging guro, yakapin ang mga pagsubok, at huwag matakot na magpakita ng dedikasyon at sipag. Sa inyong mga kamay, umuunlad ang ating bayan.”
Ace John Paul Dequiroz
Filipino Subject Coordinator
Alumni